Thursday, July 30, 2009

Nutrition Month

Program kanina para sa Nutrition Month. Magpeperform na yung mga kaklase ko. Una silang magpeperform sa jingle. Na-entertain daw ang mga teachers pati ang mga students sa performance ng Boys, Johanna, Ivy, Gelica at Josh. Ang cute ni Josh! Haha :)) Ang init pa nga nung una. Buti naging maulap na lang yung panahon. Todo cheer kaming hindi kasali sa Jingle. Mukha kaming mga baliw kakacheer sa kanila. Buti na lang maganda ang kinalabasan. Galing nila. Kaya nag-Champion. Nice! Haha :))

bago mag-simula yung program, si Ms. Samala pumasok sa 'min. Gustong mag-lesson. Nakakatuwa siya ah! Grabe, lagte na kami sa lesson. 'Yung Integrity, advance sa 'min ng 6 meetings. 6? as in 6? Ang bagal niya ngang magturo eh. Halos abutin na ng isang oras sa isang topic. Buti na lang napakiusapan ni Tr. Sol. :) At buti na lang din wala dun yung boys ng Humility. Konti lang kasi kaming nasa room kanina nung pumasok si Ms. Samala. Yan, wala ng klase. wala kaming magawa nila Tetay, nagsoundtrip kami. Gumawa na din sila ng confetti para sa Jingle. Nagpicture-picture din kami. Saya nga eh. Kasi sa dati kong section, sila sila lang ang nagsasaya. 'Di bale na lang, hayaan ko na sila. Haha :))

Buti na lang walang Physics kanina. Inaantok ako eh. Nanood kasi kami ng movie. 'Di ko matandaan yung buong title. Basta may Titans. Yoko na, inaantok na ako. haha :))


Tuesday, July 28, 2009

Kachat.



Ang kulit nito. Sa tuwing mag-kachat kami, lagi na lang si *** yung topic. Pagkatapos namain ni ***, si ***** naman! Loko talaga. >.< BF ko daw yun?! Asa naman. Ang dami din nagtanong kung nanligaw yun. Asa naman, di ako papaligaw dun.

Alpha.

Nabasa ko yung blog ngayon ni Alpha. haha, natatatawa lang ako. May mga words kasi dun na naka Webdings. akala siguro niya di din mababasa yun. Puro XY nga yung nababasa ko eh. Uyyyy! Alpha! Yiheee! *LOL* Tsaka dun sa waswas na sinasabi niya, feel ko alam ko din yun, haha. Alpha, okay lang yan. :)

Aggrr..

nakakaasar mag-post. may na-type na ko tapos nabura? next time na nga lang. tinamad na 'ko. hmp!

Saturday, July 25, 2009

Tr. Jervie!

Tama ba yung spelling ng JERVIE? Haha :))

Nakita ko nga pala si Tr. Jervie kanina sa MC. Nakasalubong namin siya. sayang, di nakita nila Josh. Nakaakmiss si Tr. Jervie para sa 'kin. Wala lang, miss ko lang. :))

Ang taba niya ngayon. Nag-aaral pa rin sa La Salle. :)

Sana makita ko ulit siya. Baka tumaba lalo. PEACE! :)

Friday, July 24, 2009

Review, then MC.

Hay. Kapagod ngayong araw. Nag-review for NCAE, tapos MC naman. Yieeee! :))

Nung review, naku. Hindi ko makita yung mga sinusulat ni Mr.Maestre sa whiteboard. Ang labo na ng mata ko. Lalo na atang lumabo! :(( Tae, yoko na talaga Math. :P Pero ano, ..... Haha, la lang. :P

Pagkatpos mag-review, punta naman MC. Grabe, ang iniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit! Nilibre ako ni Pearl ng pamasahe papuntang MC. Salamat Pearlie! Haha :)) Miss 'ko na *III - GOLD*. :)) Nung nakarating kami sa MC, yung guard dun, chineck yung mga bag namin. Nag-eww kami, hindi ko na maalala kung ano yung dahilan nung kung bakit kami nag-EWWW. Si Manong Guard, nung chineck niya yung bag ko, sabi niya "Ewwww!". Nagulat ako nung sinabi niya yun! Akala ko kung ano na eh. Haha! Nakaktuwa si Manong Guard!

May nakita din kami malapit dun sa national Bookstore, dun sa may Abenson. May play ata dun, Zorro daw sabi nila. Ang corny, tae. Haha :)) Ang galing naman nila umarte eh, kaso natakot talaga ako. Hehehehe.

Tapos nun, kakain na kame. kami nila Karizza, Bryan, Pearl, at Alpha sa FoodCourt sana kakain. Pero wala namang masarap kainan dun eh. Pumunta naman kami sa ChowKing. Andun sila Tetay, Karen, Masa, Josh at Ng. Kakain sana kami sa Mang Inasal kasama na sila Karen at Masa, kaso mahal. Haha, :) Sila sa FoodCourt na talaga kumain, pero kami ni Pearl, sa ChowKing din pala ang bagsak. Haha :))

Yun, kumain na kami. nagpustahan sila Tetay, Ivy at Josh kung sino mauuna matapos kumain. Si Tetay at Josh, bey si Pearl. Si Ivy bet niya ako. Siyempre, panalo si.... PEARL! Haha :)) Mabagal talaga akong kumain eh. Wala na kayong magagawa. :P Ang dare naman, kakanta kami ni Ivy. 'Yung Kinanta namin "I Don't Wanna Miss a Thing." by Aerosmith. Kaya medyo 'di malaks boses ko. Baba kasi. Ganun? Pero okay na yun, hindi nila narinig. Hahaha :))

Sunod nung kumanta kami. Naglaro naman kami ng mga laro dun. 'Yung barilan. Sa pagkakaaalam ko, si Tetay o Pearl o Karen ang nagsimula nun. Grabe, naadik talaga kami. Kahit nakakangawit sa kamay. Basta happy kami. :)
Ang daming kalaban dun, ang natandaan ko lang si EYECLOPS, EVIL MARY at TOKEN TAKER ba yun?! Haha, di ko na maalala. Ang saya talaga kanina. ubos lahat ng pera namin dahil sa GAME na yun. Haha! At least naging masaya kami! LOL.

Goodnight. Gabing gabi na, oh. 11:20 pm pa lang naman! :))))


Thursday, July 23, 2009

Hay.

Tagal ko na ding hindi nakakapag-post. Wala akong time eh. Haha, LOL.
Hay. ANo ba naman 'tong nangyayari sa 'kin. Ayoko ng ganito. Ayokong ayoko.
Sana hindi ako pilitin. Hay, talaga naman. :|

Ngayon, ahhhm.. As usual, lahat ng ilalagay ko sa blog na 'to, hindi ko matandaan. Haha :))
Kachat ko ngayon si Ms. June. Tae, ang kulit. haha :))
Ah, may naisip na 'ko! :)) bakit kaya ginawa yun ni *tooot*? Tae, lagot ako kay *tooooot*!
Tapos nakangiti pa pagkatapos niyang gawin yun. Tssss, 'di bale na lang.

Kahapon, kumain kami sa Japok. Nakakaasar yung waiter dun, Tinanong pa pangalan ko. *Asa naman siya na bibigay ko kahit meron akong cell*. Mga tao talaga. Ayoko sa lahat yung mga ganun eh. Pero nakonsensiya ako, may nasabi kasi akong di dapat sabihin. Sorry :)

Kaninang lunch, Truth or Consequence. Gusto ko yung kay Alpha. Yieeeeeeeeee! KYLE! Lol :))
Pero, pacute eh. Haha, may pagkamahangin. Pero bahala siya. Nakukulitan na daw ata sabi sa 'kin.
Pero nung dati, sabi ko sa kanya, sorry kung nakukulitan siya sa 'min. Hindi daw. Lol :||

Dito na lang muna. :)))








Monday, July 20, 2009

Monday.

Hay. Buhay. -.-

Ayoko na talaga maranasan dati yung mga naranasan ko. Ayoko na ng ganun. Ang dami kong iniisip.
'Di bale na nga lang. Haha :))

Hindi ko matapos 'tong Physics. Nagcocomp kasi ako eh. Haha.
Tapusin ko na nga. :P


May sense naman tong post! :P


Sunday, July 19, 2009

Princess Protection Program.

Akala ko ba naman yung PPP sa website na yun buo. Hindi naman pala!
Nakakaasar lang. >.>

Buti na lang anjan si Spongebob. Isa siya sa nagpapasaya sa 'kin.
Baliw na ata ako. Pati ba naman si Spongebob?! Haha, walang patawad. :P
Spongebob Marathon ngayon. Sayang, di ko nasimulan. -.-
Kanina pa ako dito sa harap ng computer. 2 pm to 7 pm. Haha :)) Tagal na.

Dito muna, naasar daddy ko eh. Haha, lagi naman eh. -.-
Nood muna 'ko. :P



- Dyastin

Saturday, July 18, 2009

MJ.

Nga pala, nakalimutan kong ilagay to dun sa isa kong post. :P

Nung papunta na kami sa sinehan, nakita namin na may concert na palabas si Michael Jackson sa Foodcourt.
Syempre, nanuod kami dun. May babae na inaya ni MJ sa stage. Siyempre, kinantahan niya. Tapos, inakap ni MJ. Ayaw bumitaw nung babae kay MJ! Ang ginawa ni MJ, siya nag-let go. Tapos nun, hinalikan niya. Nagulat nga kaming apat nila Tetay eh. Ewan ko kung sa lips hinalkan ni MJ yung babae. Pagkatapos, nagpatawag ata ng Security si MJ para mawal yung babae. Binuhat ng Security yung babae dahil ayaw niyang umalis sa stage. Grabe pala talaga yung mga tagahanga ni Michael Jackson, no?! Halos mahimatay na at magwala para lang mahawakan siya. No doubt na siya talaga ang King of Pop. Galing!


Hay. Sana buhay pa siya. :|


- Dyastin

Harry Potter 6

Napanood ko na ngayon ang Harry Potter and the Half Blood Prince. Kabitin! Haha :))
Kasama ko sila Tetay, Karen, at Karizza. Wala si Josh. Sayang. -.-

Eto na, pumasok na kami. Hindi na kami bumili ng pagkain. Kasi mahal. Haha.
habang pinapanood namin yung HP6, medyo wala kaming maintindihan. Kasi naman walng subtitle, pero naintindihan naman namin yung iba 'no. :)) Grabe, iisa lang ang naramdaman namin sa loob ng sinehan. 'Ang lamiiiiiiig!' Sobrang lamig. Halos mamutla na kami.

Yung movie, kabitin talaga. Tsaka nakakatuwa yung may gusto kay Ron, si Lavender. Ni-Love Potion niya si Ron. Haha, obssesed nga eh. Selos naman si Hermione. Tapos, eto namang si Harry at Ginny. Ayoko sa tambalan nila. Gusto ko Harry/Hermione. 'Di ba, mas bagay? Tssss, ayoko talaga kay Ginny.

Hay. Sana ipalabas ng maaga yung Harry Potter and the Deathly Hallows. Excited na 'ko eh. :))

Nung papauwi na kami, sasakay kami ng bus. Eh walang Letre. Puro Malanday. Tawa ako ng tawa kay Tetay, akala niya kasi Malande yung sinasabi nung konduktor na sumisigaw ng Malanday. Haha :))
"Malande, Malande, malande." Haha. :)) Lakas din ng trip nila Karizza at Tetay, mangtawag ba ng mga lalaki sa kalsada habang nasa bus? Haha :))

Yun, haha. :D




- Dyastin


Friday, July 17, 2009

:(

Katatapos lang ng Game 7 Ginebra vs. San Miguel.

Sino ang NANALO? It's SAN MIGUEL.

Inaasahan ko na 'to eh. Hindi ako nag-expect na mananalo talaga Ginebra. Nung simula, sabi ko mananalo Ginebra, kasi ayoko maging negative. Hay, ganun talaga. Malakas na team ang San Miguel. Pero at least, lumaban Ginebra. Hay, nalulungkot talaga ako ngayon. Hindi ko mapigilan na malungkot pagdating sa Ginebra. Nakita ko nga, si Mark Caguioa, gustong gusto niyang mag-laro. Gusto niyang tulungan ang team, pero wala talaga siyang magawa. Ang nagagawa niya lang, mag-coach at sabihin na 'Never Say Die'. Sa tingin ko, lahat nagluluksa sa pagkatalo ng Ginebra. Katulad nung nangyari last Fiesta Conf., nung si Rod Nealy ang import. QuarterFinals yun, natalo sila. Ang daming fans na umiyak sa Araneta. Isa na din ako dun *sobrang babaw*. ngayon din, alam kong mag umiyak. Pag pasensyahan niyo na 'ko, ganito lang talaga ako, haha *biglang tawa? baliw na!*. pero wala na 'kong magagawa, yun na yun eh. Hindi time ng Ginebra ngayon.

Sayang ginawa ni
Jayjay ko, kahit may injured siya, nag-effort pa rin siya. :((
Sa huli,
Sportsmanship pinakita niya. Kahit first runner up lang sila, naka SMILE pa rin siya.
Kaya mahal ko yun eh! :)) Pinapasaya mo ko, kahit ganun ang resulta. Salamat. :*

Babawi kami, tandaan niyo yan!
GINEBRA! GINEBRA!

- Dyastin

Ginebra o San Miguel?

Syempre, GINEBRA!

NEVER SAY DIE! :)))))

Ano 'to?!



Hala. Ano to?! Naintindihan ko naman. Haha :)) Paki-EXPLAIN naman to, oh. :D



Temporary.

Temporary layout lang 'to.
Napagtripan ko lang eh. Tsaka ayoko ng kulay. Haha :))





_ Dyastin

Thursday, July 16, 2009

Plurk.

Sarap mag-Plurk! Kaadik! Haha :))
Pero may epal dun eh, pinaparinggan yung sarili. Haha, joke. *kakatawa naman!*
Kung mababasa man 'to ng mga ayaw sa 'kin, 'wag kang magalala hindi IKAW yun.
Masyado kang guilty eh. 'Di ikaw yun, promise. Haha.
Tsaka dapat yung mga sinasabi mo, may sense. Hindi katulad nung nagpaparinig ka.
Masyadong halata. Kaya wag ganun. Haha :)) Alam ko naman na ganun ka na talaga eh. Kaya okay lang.
Naks! Haha, basta hindi ikaw 'to, ha. PROMISE!



- Dyastin

Walang kwenta ang post na ito. Baliwalain niyo na lang. Wala akong pinaparinggan. :P

Layout.

Hay. Hindi ko pa rin 'to nagagawan ng layout. Nakakatamad kasi eh, Haha.

Dami kong na-post, no? Haha :D




- Dyastin

Tuesday, July 14, 2009

Sana hindi siya galit.

Hindi talaga ako mapalagay.
Sana hindi siya galit!
Sana talga hindi, kasi maliit na bagay lang naman yun eh.
Ewan ko lang sa kanya.
Pero naguusap naman kami. Hindi lang talga mapanatag loob ko nung nangyari yun :|

Out na 'ko. Gabi na, haha. :P


- Dyastin

Meron! :P

Ano ba yan. Wala talaga akong malagay dito. >.<
Pag wala ako sa harap ng computer, lahat naiisip ko. Pero pag nasa harap na, meron pa! Haha :D
Actually, wala talaga akong magawa. Tapos na ako sa assignment eh. Pero incomplete. Haha! O, san ka pa?
Haha. Wala na 'kong nasabi kundi "HAHA". Meron pa kasi eh.


- Dyastin

Monday, July 13, 2009

Tsss.

Ano ba yan. 'Di ako mapalagay!




:(((

:)

Hi. Haha, medyo tinamad ako sa paggawa ng assignment eh. Magandang gawain! Haha :))
Sa kasalukuyan, ako ay nanonood ng Game 5 PBA Finals between Ginebra and San Miguel. Sana naman manalo Ginebra no! Haha. *LOL*
Wala naman akong malagay dito. Tssss. Hirap magisip ng lalagay eh. XP
Ay, kailangan ko pa pala mag-fill up ng FORM sa UST. Hirap maging fourth year.
Gusto ko ng magtrabaho. Haha, excited na 'ko eh.
Kung anu-ano na pinagsasabi ko. Natatalo na Ginebra. Dito na lang muna, cheer ko muna Ginebra.
Nalungkot tuloy ako. :((((



-- Dyastin

Sunday, July 12, 2009

Under Construction.

Under Construction!

Medyo hindi ko muna 'to magagawan ng layout.
Next Week na lang! busy ako eh.

:)

Stay Tuned.
Ano kaya magandang layout? Isip, isip!

- Dyastin.

First Post.

First Post.

Naku, napilitan ako gumawa ng blog. Si Diohssanene kasi eh, haha!
Next Time ko na lang aayusin 'to. Kakatamad eh. :)