Katatapos lang ng Game 7 Ginebra vs. San Miguel.
Sino ang NANALO? It's SAN MIGUEL.
Inaasahan ko na 'to eh. Hindi ako nag-expect na mananalo talaga Ginebra. Nung simula, sabi ko mananalo Ginebra, kasi ayoko maging negative. Hay, ganun talaga. Malakas na team ang San Miguel. Pero at least, lumaban Ginebra. Hay, nalulungkot talaga ako ngayon. Hindi ko mapigilan na malungkot pagdating sa Ginebra. Nakita ko nga, si Mark Caguioa, gustong gusto niyang mag-laro. Gusto niyang tulungan ang team, pero wala talaga siyang magawa. Ang nagagawa niya lang, mag-coach at sabihin na 'Never Say Die'. Sa tingin ko, lahat nagluluksa sa pagkatalo ng Ginebra. Katulad nung nangyari last Fiesta Conf., nung si Rod Nealy ang import. QuarterFinals yun, natalo sila. Ang daming fans na umiyak sa Araneta. Isa na din ako dun *sobrang babaw*. ngayon din, alam kong mag umiyak. Pag pasensyahan niyo na 'ko, ganito lang talaga ako, haha *biglang tawa? baliw na!*. pero wala na 'kong magagawa, yun na yun eh. Hindi time ng Ginebra ngayon.
Sayang ginawa ni Jayjay ko, kahit may injured siya, nag-effort pa rin siya. :((
Sa huli, Sportsmanship pinakita niya. Kahit first runner up lang sila, naka SMILE pa rin siya.
Kaya mahal ko yun eh! :)) Pinapasaya mo ko, kahit ganun ang resulta. Salamat. :*
Babawi kami, tandaan niyo yan!
GINEBRA! GINEBRA!
- Dyastin
Friday, July 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

)).jpg)
No comments:
Post a Comment