Napanood ko na ngayon ang Harry Potter and the Half Blood Prince. Kabitin! Haha :))
Kasama ko sila Tetay, Karen, at Karizza. Wala si Josh. Sayang. -.-
Eto na, pumasok na kami. Hindi na kami bumili ng pagkain. Kasi mahal. Haha.
habang pinapanood namin yung HP6, medyo wala kaming maintindihan. Kasi naman walng subtitle, pero naintindihan naman namin yung iba 'no. :)) Grabe, iisa lang ang naramdaman namin sa loob ng sinehan. 'Ang lamiiiiiiig!' Sobrang lamig. Halos mamutla na kami.
Yung movie, kabitin talaga. Tsaka nakakatuwa yung may gusto kay Ron, si Lavender. Ni-Love Potion niya si Ron. Haha, obssesed nga eh. Selos naman si Hermione. Tapos, eto namang si Harry at Ginny. Ayoko sa tambalan nila. Gusto ko Harry/Hermione. 'Di ba, mas bagay? Tssss, ayoko talaga kay Ginny.
Hay. Sana ipalabas ng maaga yung Harry Potter and the Deathly Hallows. Excited na 'ko eh. :))
Nung papauwi na kami, sasakay kami ng bus. Eh walang Letre. Puro Malanday. Tawa ako ng tawa kay Tetay, akala niya kasi Malande yung sinasabi nung konduktor na sumisigaw ng Malanday. Haha :))
"Malande, Malande, malande." Haha. :)) Lakas din ng trip nila Karizza at Tetay, mangtawag ba ng mga lalaki sa kalsada habang nasa bus? Haha :))
Yun, haha. :D
- Dyastin
Saturday, July 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

)).jpg)
No comments:
Post a Comment