Friday, July 24, 2009

Review, then MC.

Hay. Kapagod ngayong araw. Nag-review for NCAE, tapos MC naman. Yieeee! :))

Nung review, naku. Hindi ko makita yung mga sinusulat ni Mr.Maestre sa whiteboard. Ang labo na ng mata ko. Lalo na atang lumabo! :(( Tae, yoko na talaga Math. :P Pero ano, ..... Haha, la lang. :P

Pagkatpos mag-review, punta naman MC. Grabe, ang iniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit! Nilibre ako ni Pearl ng pamasahe papuntang MC. Salamat Pearlie! Haha :)) Miss 'ko na *III - GOLD*. :)) Nung nakarating kami sa MC, yung guard dun, chineck yung mga bag namin. Nag-eww kami, hindi ko na maalala kung ano yung dahilan nung kung bakit kami nag-EWWW. Si Manong Guard, nung chineck niya yung bag ko, sabi niya "Ewwww!". Nagulat ako nung sinabi niya yun! Akala ko kung ano na eh. Haha! Nakaktuwa si Manong Guard!

May nakita din kami malapit dun sa national Bookstore, dun sa may Abenson. May play ata dun, Zorro daw sabi nila. Ang corny, tae. Haha :)) Ang galing naman nila umarte eh, kaso natakot talaga ako. Hehehehe.

Tapos nun, kakain na kame. kami nila Karizza, Bryan, Pearl, at Alpha sa FoodCourt sana kakain. Pero wala namang masarap kainan dun eh. Pumunta naman kami sa ChowKing. Andun sila Tetay, Karen, Masa, Josh at Ng. Kakain sana kami sa Mang Inasal kasama na sila Karen at Masa, kaso mahal. Haha, :) Sila sa FoodCourt na talaga kumain, pero kami ni Pearl, sa ChowKing din pala ang bagsak. Haha :))

Yun, kumain na kami. nagpustahan sila Tetay, Ivy at Josh kung sino mauuna matapos kumain. Si Tetay at Josh, bey si Pearl. Si Ivy bet niya ako. Siyempre, panalo si.... PEARL! Haha :)) Mabagal talaga akong kumain eh. Wala na kayong magagawa. :P Ang dare naman, kakanta kami ni Ivy. 'Yung Kinanta namin "I Don't Wanna Miss a Thing." by Aerosmith. Kaya medyo 'di malaks boses ko. Baba kasi. Ganun? Pero okay na yun, hindi nila narinig. Hahaha :))

Sunod nung kumanta kami. Naglaro naman kami ng mga laro dun. 'Yung barilan. Sa pagkakaaalam ko, si Tetay o Pearl o Karen ang nagsimula nun. Grabe, naadik talaga kami. Kahit nakakangawit sa kamay. Basta happy kami. :)
Ang daming kalaban dun, ang natandaan ko lang si EYECLOPS, EVIL MARY at TOKEN TAKER ba yun?! Haha, di ko na maalala. Ang saya talaga kanina. ubos lahat ng pera namin dahil sa GAME na yun. Haha! At least naging masaya kami! LOL.

Goodnight. Gabing gabi na, oh. 11:20 pm pa lang naman! :))))


No comments:

Post a Comment